Ang arthritis o rayuma ay nagmula sa mga salitang Griego na ang ibig sabihin ay “namamagang mga kasukasuan”. Lingid sa kaalaman ng marami, mayroong mahigit 100 klase ng arthritis. Importante na malaman ang klase ng arthritis upang mabigyan ito ng karampatang lunas at gamutan. Dalawa sa pinakamadalas na uri ng Arthritis ay ang rheumatoidarthritis at ang osteoarthritis.
Ano ang Arthritis?
Ito ay isang pangkalahatang term na tumutukoy sa pamamaga ng isa o higit pang kasukasuan sa katawan. Ang dalawang pangunahing uri nito ay osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Ang osteoarthritis ay nauugnay sa pagkasira ng cartilage sa kasukasuan, samantalang ang rheumatoid arthritis ay isang autoimmune na kondisyon na nakakapinsala sa lining ng kasukasuan.
Ano ang Mga Sintomas ng Rayuma?
Ang mga sintomas na nararanasan ng pasyente ay depende sa uri ng arthrits na mayroon sya. Narito ang mga kadalasang nararanasan ng mga taong may ganitong karamdaman:
- -pananakit
- -pamamaga
- -paninigas
- -hindi maigalaw ang joints
Paano ito maiiwasan?
Kainin ang mga pagkaing anti-inflammatory at spices upang makatulong maisan ang sakit mula sa arthritis. Narito ang ilan sa mga halimbawa na pagkain:
Bawasan naman o iwasan ang mga pagkain na maaring magpalala ng inflammation sa mga may arthritis.
Narito ang ilan sa mga halimbawa na pagkain:
1.Kamatis, patatas, talong, pepper, paprika at tabako
- Mga pagkain na may gluten tulad ng wheat, rye, barley, malt
3.Iwasan ang mga pagkain na mayroon kang allergy dahil magdudulot ito ng pain at inflammation
Konsultasyon sa Doktor:
Sa anumang sintomas, mahalaga ang agad na konsultasyon sa doktor. Ang maagang pag-alam at paggamot ay makakatulong upang mapabuti ang kalagayan at maiwasan ang mas malalang komplikasyon.
Magehersisyo
Ang pagbigat ng timbang ay nakakaapekto din dahil ang mga taba/fat cells sa ating katawan ay naglalabas ng leptin, isang hormone na nagpapalala ng pamamaga sa rayuma.
Sa pangwakas, ang rayuma ay isang kondisyon na maaaring makakaapekto sa sinuman, ngunit sa wastong kaalaman at pagpapagamot, maaari itong maging kaharapang mas madali pang harapin. Mahalaga ang pag-unawa sa mga sintomas at ang regular na pakikipag-ugnayan sa propesyonal na pangkalusugan upang makuha ang tamang pangangalaga at suporta.