Ang arthritis o rayuma ay nagmula sa mga salitang Griego na ang ibig sabihin ay “namamagang mga kasukasuan”. Lingid sa kaalaman ng marami, mayroong mahigit 100 klase ng arthritis. Importante na malaman ang klase ng arthritis upang mabigyan ito ng karampatang lunas at gamutan. Dalawa sa pinakamadalas na uri ng Arthritis ay ang rheumatoidarthritis at ang osteoarthritis.
Nagkakaroon ng arthritis sa oras na masira ang cartilage na nagsisilbing proteksyon/cushion ng mga buto. Ang pagkasira ng cartilage ay nagdudulot ng pananakit, pamamaga at limitasyon sa paggalaw ng mga joints na apektado nito. Maaaring maapektuhan ang anumang joints sa ating katawan tulad ng sa kamay, tuhod, balakang at gulugod.
Sintomas ng Arthritis
Ang mga sintomas na nararanasan ng pasyente ay depende sa uri ng arthrits na mayroon sya. Narito ang mga kadalasang nararanasan ng mga taong may arthritis:
- -pananakit
- -pamamaga
- -paninigas
- -hindi maigalaw ang joints
Paano maiiwasan ang Arthritis?
Kainin ang mga pagkaing anti-inflammatory at spices upang makatulong maisan ang sakit mula sa arthritis. Narito ang ilan sa mga halimbawa na pagkain:
Bawasan naman o iwasan ang mga pagkain na maaring magpalala ng inflammation sa mga may arthritis.
Narito ang ilan sa mga halimbawa na pagkain:
1.Kamatis, patatas, talong, pepper, paprika at tabako
- Mga pagkain na may gluten tulad ng wheat, rye, barley, malt
3.Iwasan ang mga pagkain na mayroon kang allergy dahil magdudulot ito ng pain at inflammation
Siguruhin na ikonsulta sa inyong doktor kung kayo ay umiinom ng herbal supplements dahil maaaring makaapekto io sa iyong arthritis o sa gamot na iniinom para sa arthritis.
Magehersisyo
Ang pagbigat ng timbang ay nakakaapekto din sa arthritis dahil ang mga taba/fat cells sa ating katawan ay naglalabas ng leptin, isang hormone na nagpapalala ng pamamaga sa rayuma.