Ang mga ito ay nagdudulot ng masamang reaksyon sa katawan ng mga sensitibong tao. Pollen ng halaman, balahibo ng hayop, mga substansya o gamot, at iba pa ang maaaring sanhi ng allergy. Dito’y maaaring makaranas ng pamumula ng balat, pangangati, pamamaga, at pagsikip ng daluyan ng paghinga. Ilang halimbawa ng allergies nito ay ang skin, food, drug, at anaphylaxis mula sa kagat ng insekto o antigen. Ang reaksyong ito ay dahil sa pagkilos ng immune system ng katawan upang labanan ang ilang ispesipikong bagay sa pag-aakalang makasasama ito sa katawan. Ang allergic reaction ay maaaring maranasan lamang ng iilan.
Ano ang mga Sanhi ng Allergies?
Nakadepende sa indibidwal at kung saang allergen sensitibo ang isang tao.
Kapag nakakaranas ng allergic reaction, ang iyong immune system ay naglalabas ito ng mga antibodies na tinatawag na Immunoglobulin E (IgE) antibodies upang ma-neutralize</em> ang nakaka-allergy. Ang <em>IgE antibodies ay nararamdaman nito at nagbibigay senyales sa immune system na magpalabas ng kemikal na kung tawagin ay histamine, at ganun din ang maraming kemikals sa iyong dugo. Ang mga kemikal na ito ay nagdudulot ng maraming sintomas.
Narito ang listahan ng mga ‘allergen’ o mga karaniwang sanhi ng allergy: mga pagkain, inumin, halaman, at iba pang bagay.
Komplikasyon ng Allergy
Ang reaksyon ng katawan mula sa allergy ay depende sa bawat indibidwal. Maaaring katamtaman lang ang reaksyon na maaari namang pahupain sa loob ng ilang oras. Ngunit sa ibang pagkakataon, maaaring maglabas ng matinding reaksyon ang katawan na maaaring magdala ng panganib sa buhay. Ang grabeng reaksyon ng katawan ay tinatawag na anaphylaxis. Ang pagkakaroon ng allergy ay maaari din magdulot ng atake ng ibang karamdaman gaya ng hika, dermatitis o kaya ay allergic rhinitis
Paano ito gamutin?
Pagbibigay lunas sa kondisyon ay unang alamin ang pinagmulan nito. Magpakunsulta o mag-pa-test upang malamang kung ang isang tao ay allergy upang mabigyan ng paunang prebensyon o malaman ang mga dapat iwasan na maaaring mag-pagsimulan ng allergy. Kapag tukoy naman na ang allergy sa isang tao maaaring gumamit ng mga tamang gamot panlaban sa pagkontrol nito.