Bakit dapat uminom ng multivitamin?

Ang mga vitamins na kailangan ng katawan ay nakukuha natin sa mga pagkain araw-araw lalung-lalo na sa gulay, isda at prutas. Nakukuha rin natin ito sa mga supplements na mabibili sa botika.

Kung ikaw ay isang hard-training na atleta, isang competitive bodybuilder, o isang average na tao na magsanay sa isang regular na batayan, ang isang multivitamin ay maaaring magbigay sa iyo ng karagdagang suporta sa iyong katawan upang itaguyod ang optimal sa kalusugan.

Ang mga multivitamins ay ginagamit din upang gamutin ang vitamin deficiencies (lack of vitamins) na sanhi ng iba’t ibang sakit, pagbubuntis, digestive disorders at iba pang kundisyon.

Narito ang isang rundown ng mga uri ng mga sangkap na dapat mong hanapin sa iyong multivitamin supplement:

  • Bitamina A, C, D, E
  • Bitamina B6, B12
  • Thiamin, Riboflavin, Niacin, Folic Acid
  • Biotin, Panthotenic acid
  • Calcium, Phosphorus, Magnesium, Zinc

Ito naman ang mga benepisyong makukuha mo;

  • Hormonal support
  • Antioxidant na nagsisilbing proteksyon laban sa free radicals
  • Suporta sa digestion
  • Maaring makapagkontrol ng blood sugar
  • Suporta sa immune system
  • Nagpapatibay ng buto at ngipin
  • Tumaas na cell division, growth at repair
  • Optimal cell at tissue hydration

At upang sagutin ang tanong kung bakit dapat uminom ng multivitamin;

  1. Dahil ang pag inom nito ay para malabanan ang sakit, kailangan malakas ang resistensya ng katawan. Lalo na sa panahon na maraming sakit ang naglalabasan sa ating paligid katulad ng swine flu, epidemya, tuberculosis, trangkaso, perwisyong ubo, at marami pang iba. Importante din na kumain ng tama, matulog ng 7-8 oras, magbawas sa stress at uminom ng multivitamin.
  2. Dahil hindi sapat ang ating kinakain upang makuha lahat ng bitamina na kailangan ng ating katawan sa araw – araw.
  3. Stress. Halos lahat tayo ay may kanya kanya stress sa buhay. Ang stress ay masama sa ating katawan. Ito nakakaedad sa katawan. Kaya magandang uminom ng vitamin, lalo na ang may Vitamin B para malabanan ang stress. Tumutulong ang bitamina sa paghilom ng nasisirang selula sa ating katawan.

One thought on “Bakit dapat uminom ng multivitamin?

Leave a Reply

Your email address will not be published.