1. Mani – Ang mani ay may taglay na vitamin E at good fats. Ayon sa pagsusuri, kapag mataas ang lebel ng vitamin E sa iyong katawan, mas matalas din ang iyong pag-iisip.
2. Matatabang isda (oily fish) – Ang mga oily fish ay ang tuna, tilapia, salmon, sardinas, tamban at taba ng bangus. May taglay itong omega-3 fatty acids na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak at puso.
3. Itlog – Ang itlog ay mataas sa choline, isang kemikal na kailangan ng mga bata para mag-develop ang kanilang utak at memorya.
4. Kape – Makatutulong ang kape para maiwasan ang Alzheimer’s disease at panghihina ng ating isipan. May sangkap na antioxidants at caffeine ang kape. Puwedeng uminom ng 1 o 2 tasang kape sa maghapon. Huwag din sosobrahan.
5. Abocado – Ang abokado ay mayaman sa vitamin B at healthy fats (monounsaturated fats) na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak.
6. COCONUT OIL- Nag-iiwan ito ng glucose sa utak natin.
7. BEANS and LEGUMES- Ito ay mayaman sa complex carbohyrdates at folate. Mahalaga ang mga ito para mag-function ng maayos ang utak natin
8. BLUEBERRIES-Ito ay antioxidant. Ang mga antioxidants ay nakakatulong sa pag-relieve ng stress.
9. BROCCOLI-Ang broccoli ay nakakatulong sa maayos na pagdaloy ng dugo sa buong katawan. Kailangan ng dugo sa utak para umayos ang pag-iisip.
10. DARK CHOCOLATE- Ito ay antioxidant na nakakatulong sa pag-alis ng stress. At ang chocolate ay nakakatulong sa pag-improve ng mood ng tao and it can also ease pain.
11. ROSEMARY, SPINACH and WHOLE GRAINS- Nakakatulong pala ito sa pag-improve ng memory.
12. TOMATOES- Dahil sa lycopene. Ito ay isang malakas na antioxidant.
Sources: https://tl-ph.facebook.com/DocWillieOngOfficial/videos/270366223157896
Top 10 Foods That Help Improve Our Memory