Mga Paraan ng Pangangalaga sa Baga

pangangalaga sa baga

Ang pangangalaga sa ating baga ay napakamahalaga. Ang baga ay isa sa mga pinakaimportanteng  organ ng katawan na responsable sa a pagpasok ng oxygen sa katawan, at sa paglabas ng carbon dioxide. Kaya naman, mahalaga na mapangalagaan ang kalusugan ng baga upang mapanatili ang pangkabuuang kalusugan ng sarili.

Sa kasamaang palad, may ilang mga bagay o gawain na nakadaragdag sa posibilidad ng paghina o pagkasira ng baga. Dahil dito, mas napapalapit sa pagkakaroon ng mga sakit gaya ng kanser, COPD, tuberculosis, at iba pa.

Ang pangangalaga sa baga ay maaaring binubuo ng mga sumusunod na simpleng hakbang:

1. Iwasan ang paninigarilyo

Ang paninigarilyo ang tinuturing na pangunahing sanhi ng ilang mga karamdaman sa baga. Ang mga kemikal na nagmumula sa hinihithit na sigarilyo ay nagdudulot ng pagkasira at panghihina ng baga na nagreresulta naman sa mas madaling pagkapit ng mga sakit.

Kaya naman, mahalaga ang pag-iwas sa paninigarilyo, maging ito’y first-hand man o second-hand smoke. Sa ganitong paraan, maaring maiwasan ang mga potensyal na panganib sa kalusugan ng iyong respiratory system.

Source: https://fortunedotcom.files.wordpress.com/2017/03/ who-pollution-report-hiv-ebola-responsible-deaths.jpg

2. Umiwas sa paglanghap ng polusyon

Ang hangin na nilalanghap partikular sa mga lansangan ng mga lungsod ay maaaring nahaluan na ng polusyon mula sa mga sasakyan at mga pabrika. Ang mga polusyong ito ay maaaring makalason sa baga at unti-unting makasira sa kalusugan.  Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng face mask.

3. Protektahan ang sarili laban sa mga impeksyon sa baga

Kung sakaling may napapabalitang pagtaas ng kaso ng sakit na dulot ng impeksyon sa baga, umiwas na lamang na lumabas o magtungo sa lugar na sinasabing may pagkalat ng sakit. Umiwas din sa mga matataong lugar sapagkat dito pinakamataas ang posibilidad ng paghahawaan. Ang mga mikrobyo na nagdudulot ng karamdaman sa baga ay karaniwang nakukuha sa hangin na nilalanghap (airborne diseases). Kung hindi naman maiiwasan na magtungo sa lugar, magsuot na lamang din ng proteksyon o face mask.

4. Panatilihin ang regular na magpatingin sa doktor

Ang regular na pagpapa-check up ay makatutulong nang malaki upang matukoy kaagad ang namumuong sakit at maagapan ito kaagad sa paglala. Maraming sakit o kondisyon na hindi kaagad nagpapahiwatig ng anumang sintomas o senyales hangagt hindi pa ito lumalala.

Iba pang mga hakbang na makakatulong sa pangangalaga ng ating baga

5. Regular na mag-ehersisyo

Makatutulong naman sa pagpapalakas ng kalusugan ng baga ang regular na pag-eehersisyo. Ito ay lalong mahalaga sa mga taong may mahinang baga sapagkat matutulungan ng pag-eehersisyo ang mas maayos na pagpasok ng suplay ng oxygen sa katawan.

 

6. Balanse at masustansyang pagkain

Ang balanse at pagkain ng masusustansyang pagkain ay nakapagpapalakas ng resistensya ng katawan. Ito ay lubos na mahalaga upang hindi kaagad kapitan ng sakit hindi lamang sa baga kundi pati na rin ang buong pangangatawan. Ang mga gulay at iba pang pagkain na may mataas na lebel ng anti-oxidant at makatutulong ng husto sa pag-iwas sa mga sakit.

7. Huwag magpapabaya sa mga simpleng sakit

Ugali ng ilan na pabayaan na lang ang mga simpleng sakit gaya ng ubo at sipon, subalit mahalaga ang pag-unawa na ang patuloy at napapabayaan na simpleng kondisyon na kagaya ng sipon at ubo ay maaaring makapagpahina sa kalusugan ng baga. Kaya’t hindi dapat balewalain ang mga simpleng sakit; sa halip, ito ay dapat gamutin kaagad habang maaga pa.

 

8. Gamutin ang mga kondisyon sa baga

Huwag din magpapabaya sa mga kondisyon na nararanasan ng baga gaya ng hika, bronchitis, at maging simpleng allergy. Ang pagpapabaya sa mga ito ay maaaring lumala at humantong sa pagkakaroon ng mga sakit na mas mahirap gamutin. Maging maagap sa mga kondisyon sa katawan, inumin ang gamot na dapat inumin, at regular na bisitahin ang mga doktor ukol sa nararansang kondisyon.

Iba pang Supplements na Makakatulong sa Ating Katawan

Mahalaga ang pangangalaga sa ating baga ngunit dapat din natin pangalagaan ang iba pang parte ng ating katawan. Ilan sa importanteng alagaan ay ang ating utak at balat. Ang Beyay Pharmacy ay may dalawang supplements na nakafocus sa ating utak at balat ang Neuro Blaze at Thiogen-E.

Ang Neuro Blaze ay isang food supplement na naglalaman ng malakas na bitamina at mineral tulad ng EPA & DHA Omega 3, L-Tyrosine, Phosphatidylcholine, Zinc, Cyanocobalamin, Thiamine, Pyridoxine, na tumutulong sa pagpapabuti ng mental na kakayahan at pangangalaga ng normal na paningin sa pamamagitan ng Lutein. Kasama rin ang mga antioxidant na tulad ng Vitamin A, Vitamin C, at Vitamin E, na nagpapalakas ng resistensya. Kasama sa Neuro Blaze ang Vitamin D na sumusuporta sa mga function ng buto at kalamnan.

Nagbibigay ito ng suporta sa normal na cognitive function at nagtutulong sa produksyon ng neurotransmitter gamit ang 7 Brain Nutrients nito. Ang Lutein nito ay kilala sa pagprotekta laban sa mga problema sa mata at ang Vitamin A at E ay nagbibigay suporta sa maayos na paningin at pag-alis ng mga toxin. Ginagampanan din nito ang papel ng malakas na antioxidant na nagtatanggal ng mga toxin, nagpapalakas ng resistensya, at nagbibigay suporta sa mas mabuting absorpsyon ng Calcium at Phosphorous sa katawan. Ito ay inirerekomenda lamang sa mga 18 taong gulang pataas at hindi sa mga buntis at nagpapasuso.

Neuro Blaze

Ang ThioGEN-E ay binubuo ng dalawang kapsula na tumutulong sa pagpapabuti ng natural na kagandahan at kabataan. Layunin nito ang pagtanggal ng mga toxins mula sa loob upang ipakita ang walang kamatayang kislap mula sa loob.

Thiogen-E

Ang Glow capsule ay binubuo ng 550mg Glutathione at 70mg Vitamin C habang ang Ageless capsule ay binubuo ng 260mg Marine Collagen, 60mg White Tomato Extract, 50mg Hyaluronic Acid, at 10mg Vitamin E.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *