MGA PAGKAING PAMPATALINO (BRAIN FOODS)

mga pagkaing pampatalino

Ang ating utak ay napakamahalaga. Marahil ay ikaw ay interesado malaman kung anu-ano ang mga pagkaing pampatalino. Tara na’t alamin ang mga kahanga-hangang benepisyo ng mga pagkain na hindi lang masarap kundi tunay ding nakakapagpabuti ng ating utak. Makakasama natin sa paglalakbay ang mani, matatabang isda, itlog, kape, abokado, coconut oil, beans, blueberries, broccoli, dark chocolate, rosemary, spinach, whole grains, at tomatoes – mga pagkain na nagbibigay hindi lang sustansya kundi pampatalino rin!

Tunghayan natin kung paano ang mga ito ay naglalaan ng bitamina, mineral, at nutrients na nagpapalakas sa ating utak, nagpapahusay ng memorya, at nagbibigay ng kapaki-pakinabang na epekto sa ating pangkalahatang kaisipan. Halina’t samahan kami sa pagtuklas ng malasakit ng kalusugan at kahalagahan ng tamang nutrisyon upang makatulong sa pagpapalakas ng ating utak.

Anu-Ano ang mga Pagkaing Makakatulong sa Ating Utak?

1. Mani – Ang mani ay kilala na pagkaing pampatalino sapagkat may taglay na vitamin E at good fats. Ayon sa pagsusuri, kapag mataas ang lebel ng vitamin E sa iyong katawan, mas matalas din ang iyong pag-iisip.

2. Matatabang isda (oily fish) – Ang mga oily fish ay ang tuna, tilapia, salmon, sardinas, tamban at taba ng bangus. May taglay itong omega-3 fatty acids na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak at puso.

3. Itlog – Kabilang ang itlog sa mga pagkaing pampatalino dahil ang itlog ay mataas sa choline, isang kemikal na kailangan ng mga bata para mag-develop ang kanilang utak at memorya.

4. Kape – Makatutulong ang kape para maiwasan ang Alzheimer’s disease at panghihina ng ating isipan. May sangkap na antioxidants at caffeine ang kape. Puwedeng uminom ng 1 o 2 tasang kape sa maghapon. Huwag din sosobrahan.

5. Abocado – Ang abokado ay mayaman sa vitamin B at healthy fats (monounsaturated fats) na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak.

6. COCONUT OIL- Nag-iiwan ito ng glucose sa utak natin.

7. BEANS and LEGUMES- Ito ay mayaman sa complex carbohyrdates at folate. Mahalaga ang mga ito para mag-function ng maayos ang utak natin

8. BLUEBERRIES-Ito ay antioxidant. Ang mga antioxidants ay nakakatulong sa pag-relieve ng stress.

9. BROCCOLI-Ang broccoli ay nakakatulong sa maayos na pagdaloy ng dugo sa buong katawan. Kailangan ng dugo sa utak para umayos ang pag-iisip.

10. DARK CHOCOLATE- Ito ay antioxidant na nakakatulong sa pag-alis ng stress. At ang chocolate ay nakakatulong sa pag-improve ng mood ng tao and it can also ease pain.

11. ROSEMARY, SPINACH and WHOLE GRAINS- Nakakatulong pala ito sa pag-improve ng memory.

12. TOMATOES- Dahil sa lycopene. Ito ay isang malakas na antioxidant.

Kahalagahan ng Supplements sa Ating Katawan

Madami ang supplements ang nakakatulong sa ating katawan. Ang Beyay Pharmacy ay patuloy na gumagawa ng mga gamot na makakatulong sa ating katawan. Ilan lamang sa kanilang inooffer ay ang Neuro Blaze at Thiogen-E.

Ang Neuro Blaze ay gumagana bilang malakas na antioxidant na nagtatanggal ng mga toxin at free radicals, at nagpapalakas ng resistensya sa pamamagitan ng Vitamin A, Vitamin C, Vitamin E, at Zinc. Tumutulong din ito sa mas mabuting absorpsyon ng Calcium at Phosphorous sa katawan sa pamamagitan ng Vitamin D. Nagbibigay din ito ng suporta sa katawan sa produksyon ng red blood cells, na responsable sa paghahatid ng oxygen sa mga kalamnan, sa pamamagitan ng Vitamin B12 na sumusuporta sa function ng buto at kalamnan.

Neuro Blaze

ThioGEN-E ay binubuo ng dalawang kapsula na tumutulong sa pagpapabuti ng iyong natural na kagandahan at kabataan. Layunin nito ang pagtanggal ng mga toxins mula sa loob upang ipakita ang iyong walang edad na kislap mula sa loob.

Mga Sangkap:

Ang Glow capsule ay binubuo ng 550mg Glutathione at 70mg Vitamin C habang ang Ageless capsule ay binubuo ng 260mg Marine Collagen, 60mg White Tomato Extract, 50mg Hyaluronic Acid, at 10mg Vitamin E.

Thiogen-E

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *